Tagalog news: Sangguniang Panlalawigan, ikinatuwa ang nakatakdang pagbiyahe ng Cebu Pacific sa Tablas

ODIONGAN, Romblon, Dis. 23 (PIA) — Ikinatuwa ng kasalukuyang chairman ng Committee on Transportation ng Sangguniang Panlalawigan ng Romblon na si Hon. Felix Ylagan ang nakatakdang pagbiyahe ng Cebu Pacific Airlines sa lalawigan ng Romblon simula sa susunod na taon.

Sa panayam ng lokal na mamamahayag kay SP Ylagan, kanyang sinabi na isa umano itong welcome development para sa turismo at negosyo dahil sa mababang presyo ng pamasahe nito.

“Welcome development ito para sa turismo at pagnenegosyo sa Romblon, kung totoong kalahati ang ibinaba nito sa kasalukuyang presyo ng airline company na bumibyahe rito ay malaking bagay ito lalo na sa ating mga kababayan na kailangan ng alternatibo at mabilis na pagbyahe kapag nagmamadali,” pahayag ni SP Ylagan.

Ayon sa pamunuan ng Cebu Pacific, simula ika-17 ng Pebrero 2017 ang una nilang biyahe na Manila-Tablas at vice versa.

Hinihiling din ni Ylagan na sana ay masiguro ng pamunuan ng Cebu Pacific ang mga diskwento sa mga senior citizens at persons with disabilities alinsunod sa passenger bill of rights.(PJF/DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s