Tagalog news: 9,299 boluntaryong sumuko sa ilalim ng Project Tokhang sa OrMin

CALAPAN, Oriental Mindoro, Dis. 23 (PIA) – Umabot sa 9,299 ang bilang ng mga sumukong drug users at pushers sa lalawigan sa pagpapatupad ng Project Tokhang ayon sa ulat ni Police Chief Inspector Roden S. Fulache, Chief ng Philippine National Police (PNP) Provincial Operations simula ika-1 ng Hulyo 2016 hanggang sa kasalukuyan.

Ang pag-uulat ay isinagawa sa katatapos lamang na pagpupulong ng Provincial Peace and Order Council sa kapitolyo.

Sa ulat ni Fulache na mula sa nabanggit na bilang, 8,667 ang dating drug users samantalang 632 ang sumukong drug pushers. Nasa 4,735 naman ang bilang ng mga bahay na nabisita ng PNP sa ilalim ng nasabing proyekto.

Batay pa sa ulat ng PNP-Oriental Mindoro sa pamumuno ni Police Senior Superintendent Christopher Birung, 311 barangay mula sa kabuuang bilang na 426 ang nasa ilalim ng kategoryang slightly affected kung saan mayroong naitalang hindi tataas sa dalawang porsyento ng kabuuang populasyon ng bawat barangay ang nauugnay sa mga aktibidad sa iligal na droga.

Dahil dito, patuloy ang isinasagawang operasyon ng PNP sa pagpapatupad ng proyekto upang linisin ang mga iligal na gawain na may kaugnayan sa iligal na droga at iba pang krimen. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s