Tagalog news: Integrated Zoning Ordinance sa San Jose, tinalakay sa public hearing

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Dis 20 (PIA)—Isinagawa ang public hearing ng Comprehensive Land and Water Use Plan (CLWUP) ng bayan ng San Jose sa municipal gymnasium ng nasabing bayan noong nakaraang linggo.

Sa naturang public hearing ay magkatuwang na ipinaliwanag ng tanggapan ng Sangguniang Bayan at Municipal Planning and Development (MPDO) na ang CLWUP ay magsisilbing gabay sa pagbalangkas ng ipinapanukalang ‘Integrated Zoning Ordinance’ na mag-a-amyenda sa Municipal Ordinance No. 688 o ang kasalukuyang municipal zoning ordinance.

Ipinakita ng MPDO ang mga plano para sa lugar na itinuturing agricultural, institutional, commercial, residential, industrial at protected areas at seneguro na may mga regulasyong nakapaloob sa mga ito upang maging maayos ang paggamit sa kalupaan at katubigan ng bayan ng San Jose.

Matapos maipaliwanag ng MPDO ang laman ng CLWUP ay binuksan ni Vice Mayor Roderick Agas ang open forum. Isa sa mga lumabas na isyu ang kakaunting bilang nga mga dumalo sa naturang public hearing. Dito ipinaliwanag ni Joey Salgado, tagapamuno ng MPDO, na hindi nagtatapos sa public hearing ang pagbibigay ng impormasyon sa mga mamamayan. Ayon pa dito, naka-schedule ang kanilang pagbisita sa mga barangay bukod pa ang paggamit ng mga lokal na himpilan ng radyo at social media sa pagpapalaganap ng impormasyon hinggil sa CLWUP.

Isinangguni naman ni Barangay Captain Bernard Dimaano ng Barangay 3 Poblacion, ang kalagayan ng ilog ng Pandurucan. Ayon sa kapitan, dapat umanong maisama sa plano ang pangangalaga sa ilog na ito. Tinugunan ito ng MPDO, at sinabing nakapaloob sa CLWUP ang paglalagay ng mga treatment areas ng mga tubig na matatapon sa ilog ng Pandurucan at bago magtungo sa karagatan.

Ang ilan pa sa mga napagusapan ay ang Solid Wastes Management, Socialized Housing Sites sa bawat barangay, pagkakaroon ng bagong public cemetery at iba pa.

Sa pagtatapos ng public hearing ay ipinaliwanag ni Vice Mayor Agas na ang nasabing CLWUP ay pagaaralan naman ng Provincial Land Use Committee. (VND/PIA MIMAROPA/Occ min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s