Tagalog news: Pangangaroling ng mga bata sa Puerto Princesa, imomonitor ng CSWDO

PUERTO PRINCESA, Palawan, Dis 19, (PIA) — Nakahanda na ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) para sa kanilang isasagawang monitoring at paghihigpit sa pangangaroling ng mga bata sa mga pangunahing lansangan sa lungsod.

Ayon kay CSWDO Administrative Officer II Melvin Abogador, inaasahan na dadami ang mga batang lansangan na gagala-gala sa mga pangunahing lansangan at parke sa lungsod upang makahingi ng pamasko sa mga mamamayan mula Disyembre 16 kung saan ito ang pagsisimula rin ng panahon ng pangangaroling.

Dagdag ni Abogador, paiigtingin nila ang pagmomonitor sa mga batang ito upang maiwasan ang aksidente, lalo na sa mga batang sumasampa sa mga tumatakbong sasakyan at upang maiwasan din ang pagsasamantala sa mga ito. Hindi umano lingid na ang ibang mga bata ay nauutusan lamang ng mga magulang at ang iba naman ay nagagamit ng iilang grupo.

Isa rin umano ang panahon ng pangangaroling sa pagkakataon na nagagamit upang maka-palimos o makapanghingi ng barya at pagkain ang mga batang lansangan.

Kaugnay nito ay ia-activate ng CSWDO ang kanilang Rescue and Response Action Center para sa mga gagawing monitoring sa mga ito. Dalawang social worker ang nakatakdang magmonitor sa araw at limang social worker naman ang nakatalaga para magmonitor sa gabi.

Mahigpit namang ipatutupad ng pamahalaang lungsod ang pagkuha ng permit ng mga mangangaroling, kung sa baragay ito isasagawa ay dapat magkaroon muna ng barangay permit ang sinumang grupo na mangangaroling at kung sa mga malalaking establisyemento sa lungsod ay dapat sa City Hall sila kukuha ng permit, ayon kay Abogador. (OCJ/PIA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s