Tagalog news: Malimit na brownout sa OrMin, susuriin ng Sangguniang Panlalawigan

CALAPAN, Oriental Mindoro, Dis. 19 (PIA) – Dahil sa malimit na brownouts na nararanasan sa lalawigan partikular sa ikalawang distrito, magsasagawa ng pagsusuri o pag-imbestiga ang Sangguniang Panalalawigan (SP).

“Iisa lamang ang layunin at nais nating lahat: ang makita at maramdaman ang kumportableng pamumuhay dala ng ganap na kaunlaran. Sama-sama nating tapusin ang napakatagal nang problema sa suplay ng kuryente sa ating lalawigan,” pahayag ni Bise-Gob. Humerlito A. Dolor sa harap ng myembro ng SP.

“What I do understand is that experiencing power outages on a regular basis is downright annoying and frustrating, and the continued lack of a clear, specific and sustainable plan to address the issue of the power infrastructure sector is most unusual and unacceptable. Kaisa ko ang bawat Mindoreño sa kalbaryong dala nang madalas at malawakang brownout sa lalawigan,” dagdag pa ni Dolor.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos na suplay ng kuryente para sa pangkalahatang pag-unlad ng lalawigan, partikular sa larangan ng komersyo at pamumuhunan.

Inilahad ng Bise-Gobernador ang kanyang karanasan at maging nang nakararaming mamamayan sa pagkawala ng kuryente na minsan ay umaabot nang hanggang anim na beses sa isang araw at kadalasa’y nakasisira ng mga kagamitan at minsa’y nagiging sanhi rin ng sunog.

Aniya, “Local competitiveness is among the top reasons why venture capitalists decide to invest in Oriental Mindoro. Viewed from a distance, all seems bright for our beloved province. Well, that’s what it seems, until the power is shut as part of ORMECO’s “load-shedding process”. There have been potential investors who were forced to turn away because of our inability to fulfill their power requirement.”

Idinagdag niya na ang pagkakaroon ng sapat at maaasahang suplay ng kuryente ay bilang suporta sa pagkakamit ng adhikain ng Pamahalaang Panlalawigan, sa ilalim ng pamunuan ni Gobernador Alfonso V. Umali, Jr., na maging sentro ng pamumuhunan ng Luzon at Visayas ang Oriental Mindoro.

Binigyang-diin ng Bise-Gobernador sa kanyang talumpati, “The Provincial Government continues to expend all means to physically build on potentials of Oriental Mindoro. It has, in fact, expressly and clearly stated its intent as its development vision. In the past couple of decades, we have all witnessed the rapid infrastructure development of our province – agro-industrial facilities, malls, national brand fastfood outlets, and other progress markers have been going up – signaling the arrival of Oriental Mindoro as a significant regional economic player.”

Sa kasalukuyan, kabilang sa mga nagsusuplay ng kuryente sa iba’t ibang panig ng lalawigan ang Linao Cawayan Mini-Hydro, GBH Power Resources, OrMin Power, Power One Corporation at Mindoro Grid Corporation.

At bagamat, aniya, mayroon nang mga paunang gawain upang malutas ang suliranin, kabilang na ang pagkakaroon ng small independent power providers bilang dagdag-tulong sa NAPOCOR-owned land-based diesel generator output, nananatiling hindi pa rin sapat ang suplay ng kuryente sa lalawigan.

Sa kanyang mungkahi, hinikayat ng Bise-Gobernador ang mga kasamahan sa Sanggunian mula sa una at ikalwang distrito na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa mga dahilan ng patuloy na mga brownout at tukuyin ang mga nararapat na hakbangin upang kagyat na masolusyunan ang matagal nang suliraning ito ng lalawigan. Kabilang na rito ang mga usapin sa pamamalakad at maging sa kalagayang pinansyal ng Oriental Mindoro Electric Cooperative (ORMECO).

Sa kanyang pagtatapos, sinabi ni Dolor, “With my proposal to conduct an in-depth investigation on the matter of frequent brownouts and the alleged questionable practices of ORMECO, it is in the best interest of every Mindoreño that I call on this legislature to look ever more closely into the local power sector. Let us help rationalize the situation and identify the factors that prevent the sector from coming up to par with the development requirements of the province. Let us help the Executive Body determine appropriate interventions that will speed up the process and lastly, let us once and for all scrutinize the inner workings of the power concessionaire that has the monopoly of operations in this franchise area: Oriental Mindoro Electric Cooperative.” (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s