Tagalog news: Higanteng Christmas tree pinailawan sa Boac Town Plaza

Boac, Marinduque, Dis. 19 — Muling nagningning ang Town Plaza ng Bayan ng Boac nang opisyal nang pailawin ng Municipal Office ang Giant Christmas Tree sa pangunguna ni Vice Mayor Robert E. Opis at iba pang kasapi ng Sanggunian.

Dinaluhan ang programang ito ng mga mamamayan ng bayan bitbit ang kanilang mga makukulay na parol na may iba’t ibang laki at sabay-sabay nilang isinabit ang mga ito sa ibaba ng Christmas tree. Layunin kasi ng pamahalaan ng Bayan ng Boac na makalikom ng pera mula sa pagbebenta ng mga parol upang matulungan ang Mary Help of Christians Parish sa Brgy. Balimbing, Boac sa muling pagsasaayos ng kanilang simbahan.

Lubusan naman ang pasasalamat ng Parochial Parish Priest na si Rev. Fr. Milliemar M. Perin sa boluntaryong pagpapaabot ng tulong ng pamahalaan at sa patuloy na paghahanap ng paraan upang makaimpok ng pinansyal na suporta para sa proyektong kanilang isinasagawa.

“Nagkakaroon lang ng kahulugan ang Pasko kung ito may liwanag”, ayon sa mensaheng ipinaabot ni Fr, Perin sa mga sumuporta. Dagdag din niya na nawa’y laging magningning ang biyaya ng Diyos sa pagbubukas ng Christmas tree.

Ayon naman kay Opis, ang pagbubukas ng Christmas tree ay simbolo ng pagsalubong para sa isang mapayapa at tahimik na taong 2017.

Dumalo rin sa pagtatanghal ang mga department heads ng bawat Local Government Unitsat ilang konsehal ng bayan tulad nina Konsehal Rolly Larracas at Dave Larga. (ADSD/PIA-4B)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s