Tagalog news: “BUDAYAW”, matutunghayan sa Palawan Heritage Center

PUERTO PRINCESA Palawan, Dis 19 (PIA) — Matutunghayan ang iba’t-ibang makukulay at kaaya-ayang katutubong kasuotan mula sa mga bansang miyembro ng Brunei Darussalam, Indonesia, Malaysia Philippines-East Asean Growth Area BIMP-EAGA) sa Palawan Heritage Center, matapos na mailunsad dito ang “Budayaw”.

Ang ‘BUDAYAW’ ay isang exhibit ng mga tela para sa paggawa ng katutubong mga kasuotan ng apat na bansang miyembro ng BIMP-EAGA. Matutunghayan din dito ang mga koleksiyon ng kasuotan mula sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa pakikipagtulungan ng mga embahada ng BIMP.

Layon ng proyektong ito na mapaigting ang bahaginan ng kultura at kasaysayan ng mga bansa sa rehiyong ito.

Ayon kay Adelina M. Suemith, hepe ng Program Monitoring Evaluation Division ng NCCA, ang gawaing ito ay isa sa strategic pillars ng mga bansa sa BIMP. Ito ay nakapaloob sa programa ng Socio-Cultural and Education ng BIMP. Ito ay inilunsad sa Palawan kaalinsabay ng pagpapalakas sa ugnayang panlipunan, kalakalan at turismo sa EAGA.

Ang BUDAYAW ay mula sa mga salitang “budaya,” wikang Indones na ang ibig sabihin ay kultura at “dayaw, ” wikang Pilipino na nangangahulugang selebrasyon o pagdiriwang. Ang Budayaw ay nangangahulugang “selebrasyon ng kultura.”

Ayon kay Mary Rose Caabay, tagapangasiwa ng Palawan Heritage Center, para sa nais bumisita sa nasabing exhibit, bukas ang Palawan Heritage Center mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon, Lunes hangang Biyernes. Libreng makakapasok ang lahat ng mga estudyanteng Palaweño mula elementarya hanggag kolehiyo upang masaksihan ang naturang exhibit. (PIO/OCJ-PIA Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s