Tagalog news: Bankers Association sa Palawan nagpaala-ala sa mga magwi-withdraw sa ATM ngayon holiday season

PUERTO PRINCESA, Palawan, Dis 19 (PIA) — Nagbigay ng paala-ala ang Palawan Bankers Association (PBA) sa lahat ng mga magwi-withdraw sa Automated Teller Machine (ATM) ngayon holiday season.

Ayon kay PBA President Mar Anonat, inaasahan na ang mahahabang pila sa mga ATM sa lahat ng bangko sa lungsod ngayong linggo hanggang sa huling linggo ng Disyembre upang magwithdraw ang mga tao ng kanilang panggastos sa Kapaskuhan at Bagong Taon.

Dahil dito nagpaala-ala ang PBA sa mga ATM card holder na kapag magwi-withdraw ay tiyaking walang nakakakita o palaging takpan ang keypad ng machine kapag pinindot na ang Personal Identification Number o PIN upang hindi makita ng mga may masasamang motibo sa pamamagitan ng ‘shoulder surfing’ o pagtabi sa nagwi-withdraw at pasimleng inaalam ang pinipindot nito.

Binigyang diin din ni Anonat na palagiang tandaan ang PIN ng ATM card, huwag itong isusulat sa papel at itago sa pitaka dahil kapag ito ay nawala posibleng magamit ito ng iba. Huwag din umanong ipagkatiwala sa ibang tao ang pagwi-withdraw sa mga ATM.

Tiniyak din ng PBA na may sapat na pera sa mga ATM sa lahat ng bangko sa lungsod upang hindi mahirapan ang mga magwi-withdraw sa panahon na walang ng pasok ang mga bangko tulad ng Sabado at Linggo. Tiniyak din nito na walang mag-o-off line sa mga ATM maliban na lamang kapag nagkaroon ng black out.

Pinaalalahanan din ni Anonat ang lahat ng mga mamamayan sa Palawan at lungsod ng Puerto Princesa na nagtatago pa ng mga lumang perang papel na dapat na itong ideposito sa mga bangko hanggang sa Disyembre 29 dahil kapag lumapas na sa itinakdang araw na ito at mawawalan na ng halagang ang mga lumang perang nabanggit.

Ang pagsasawalang halaga ng mga lumang perang papel ay ipinatutupad sa ilalim ng RA 7653 o ang The New Central Bank Act. (OCJ/PIA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s