Tagalog news: Produktong Boakeño ibinida sa Agri-Tourism Fair and Exhibit

BOAC, Marinduque, Dec. 12 (PIA) – Binukssan ng muli ng Bayang ng Boac ang Agri-Tourism Fair Exhibit sa Bagsakan Center, San Miguel sa pangunguna ng Municipal Agricultural Office- Boac bilang pakikiisa sa nalalapit na 394th Founding Anniversary ng bayan.

Bago pasimulan ang palatuntunan , ipinarada muna ng apat na Barangay Agricultural and Fishery Council ang kanilang mga inihandang float sa buong poblacion na nababalot ng kanilang mga bagong aning gulay, prutas at sariwang huling isda mula sa mga magigiting na mga magsasaka at mangingisda ng kanilang mga nasasakupan na barangay. Tampok sa kanilang mga booth ang mga pangunahing produkto ng bayan gaya ng saging at niyog.

Ayon sa panimulang pananalita ni Mayor Roberto Madla, lubusan ang kaniyang kagalakan dahil sa patuloy na masaganang ani ng mga magsasaka. Dagdag ng ama ng bayan, ito raw kasing taunang fair and exhibit ng MAO- Boac ang nagsisilbing paraan nila upang makapagpasalamat sa patuloy na biyayang kanilang natatamasa sa loob ng isang taon.

Nais din ni Konsehal Rolly Larracas na palakasin pa ng mga natatanging kayamanan para maibsan ang kahirapan at kagutumanng mga mamamayan. Binigyan puri rin nya ang mga magsasaka bilang mga tinig mula sa mga kanayunan at kabayanan paramas tangkililin ang produktong Boakeño.

Bukod kay Mayor Madla at Konsehal Larracas ay dumalo rin sa opening and cutting of ribbon sina Vice Mayor Robert E. Opis at iba pang kasapi ng Sanggunian. (ADSD/PIA-4B)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s