Tagalog news: NMIS, may kampanya para sa pamimili ng sariwa’t ligtas na karne

LUNGSOD QUEZON, Dis 12 (PIA) —Pinapayuhan ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang mga Consumer na maging mapanuri sa karneng kanilang bibilihin ngayong kapaskuhan.

Ito ang mensahe ng “Oplan Pasko Na Naman” ng National Meat Inspection Service (NMIS) – Mimaropa sa mga kababayan sa rehiyon para maging ligtas at masaya ang kanilang kainan.

“Ipinanawagan po namin sa aming consumers na tayo ay bumili sa mga locally registered meat establishment o NMIS-registered meat establishment. Huwag pong kalilimutan na ang tingnan ang tatak ng pagkakasuri at mayroon (ang mga dealer) ng certificate of meat inspection,”sabi ni Dra. Mignon Umali, Supervising Meat Control Officer, NMIS-Mimaropa-Regional Technical Operation Center.

Nagbigay si Dra. Umali ng ilang tips para malinis at ligtas kainin ang karneng mabibili: (1) dapat mala-pulang rosas o pinkish red sa Ingles; at (2) hindi dapat naglalaway-laway.

Pwede naman hipuin, hawakan at amuyin muna ng mamimili ang karne bibilihin, ani Dra. Umali.

Para naman sa mga produktong nakayelo o frozen meat products, dapat ibenta na nakayelo o frozen pa rin.

“Huwag po sana nating (mga meat dealer) i-thaw o hayaan matunaw …dapat ibenta ang karne, frozen pa rin,” ani Dra. Umali.

Mula pagkakatay, hanggang walong oras lamang pwedeng manatiling sariwa ang karne sa palengke.

“Alam po natin…ang ating palengke ay open air (o nakabukas)…may alikabok…may mga langaw kung minsan…lahat ng bakterya ay maaring pumasok sa karne….so ma-hahamper (makaka-apekto ) sa kalusugan,”ani Dra. Umali.

Pero ipinaliwanag naman niya na maaga naman nakakabenta ang mga meat dealer: yung mga naiibenta naman sa hapon ay pahabol o yung mga karneng kinatay sa kalagitnaan ng araw kaya sariwa pa rin ang mga mapagpipilian. (LP)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s