Tagalog news: Marine Protected Area Day, ipinagdiwang sa Calapan

CALAPAN, Oriental Mindoro, Dis. 12 (PIA) – Ipinagdiwang kamakailan sa lungsod ng Calapan ang ika-limang taong pagdiriwang ng Marine Protected Area Day.

Dito ay muling tumatak sa isipan ng mga mamamayan ang kahalagahan ng pangangalaga sa pinagkukunang yaman ng mga mangingisda.

Pangunahing lumahok sa mga naging gawain ang binuong samahan ni Vice-Mayor Gil Ramirez noong 2013, ang Hanay ng Yumayabong at Umuunlad na Mangingisda (HAYUMA) na binubuo ng mga mangingisda sa may 23 barangay na nasa baybaying dagat ng lungsod.

Matatandaan na binuo ng bise-alkalde ang naturang samahan upang palakasin at magkaroon ng nagkakaisang tinig ang mga mangingisda at makaagapay sa pagpapahalagang ipinagkakaloob ng pamahalaan sa kanila.

Layunin ng pagdiriwang na maitaas ang antas ng kamalayan ng bawat mamamayan sa kahalagahan ng pagkakaroon ng pagmamalasakit at pangangalaga sa tatlong Marine Protected Area sa Territorial Sea Water ng lungsod na nagtamo na rin ng mga parangal, ang Harca Piloto Fish Sanctuary, Silonay Mangrove Conservation and Ecopark at ang Calero-Salong Seagrass Marine Protected Area.

Ang Gawain ay pinamahalaan ni OIC-Fisheries Management Officer Wilfredo G. Landicho sa patnubay ni Konsehal Taton Valencia, Committee Chairperson on Fisheries and Aquatic Resources. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s