Tagalog news: Labanan ang Zika, mahalagang proteksyunan ang sarili, ayon sa DOH

CALAPAN, Oriental Mindoro, Dis. 12 (PIA) – Mahalagang proteksyunan ng bawat isa ang kanyang sarili sapagkat ito ay isang pananggalang upang labanan ang anumang sakit na maaaring dumapo sa kanya.

Kaya naman mahigpit ang paalala ng Department of Health (DOH) lalo na sa lumalaganap na sakit dala ng kagat ng lamok, ang Zika Virus Infection.

Ayon kay City Health and Sanitation Department- Program Manager Dr. Teresita N. Dolor, ang zika virus infection ay isang uri ng impeksyon na naisasalin sa pamamagitan ng kagat ng lamok (aedes).

Ito ang ilan sa mga sintomas ng taong mayroong chikungunya ay ang pagkakaroon ng lagnat, pananakit ng kasu-kasuan, pananakit ng ulo, pamumula ng mata at pamamantal ng balat. Aniya pa, isa sa limang tao ang nagkakaroon ng mga sintomas na ito na nagtatagal ng dalawa hanggang pitong araw.

Ang mga komplikasyon nito ay kagaya ng microcephaly, isang kundisyon kung saan ang sukat ng ulo ay mas maliit kaysa normal na sukat ng ulo ng isang saanggol. Guillaine-Barre Syndrome, isang bihira subalit seryosong kundisyon na inaatake nito ang immune system ng malulusog na nerve cells na nagiging sanhi ng panghihina at pamamanhid ng katawan.

Ayon pa kay Bolor, nakukuha ang sakit kapag naisasalin sa tao sa pamamagitan ng kagat ng lamok na aedes aegypti na nagtataglay ng zika virus. Ito ang tinatawag na day biter o sa araw nagangagat.

Gayundin, sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa tao na mayroong zika virus ay maaaring makuha ang nasabing sakit, dagdag pa ni Bolor.

Ayon sa ilang pagsusuri, nakikita ang zika virus sa mga uri ng likido sa katawa ng tao kagaya ng dugo, laway, ihi, amniotic fluid sa loob ng bahay bata sa panahon ng pagdadalang tao, semilya, likido sa utak at spinal cord.

Sinabi pa ng opisyal, maaari namang maiwasan ito sa pamamagitan ng paggamit ng insect repellants, magsuot ng damit na may mahabang manggas at pantalon, gumamit ng window screens o panatilihing nakasara ang bintana, gumamit ng kulambo, linisin ang mga lugar at kagamitan na maaaring imbakan ng tubig katulad ng timba, paso ng halaman, lagayan ng basura, gulong ng sasakyan at gilid ng bubong ng bahay sapagkat dito kalimitang nangingitlog ang mga lamok.

Wala pa aniyang bakuna laban sa zika virus ang tanging paraan upang labanan ito ay uminom ng maraming tubig at magpahinga. Kung mayroong lagnat maaaring uminom ng gamot na eneresita ng doktor. Kung mayroong sintomas, dalhin sa pinakamalapit na ospital para sa masusing pagsusuri ng doktor. (CIO/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s