Tagalog news: Diabetes Orientation Seminar, isinagawa sa Calapan

CALAPAN, Oriental Mindoro, Dis. 12 (PIA) – Sumailalim sa Diabetes Orientation Seminar ang mga kawani ng City Health and Sanitation Department na ginanap sa Tree of Life Hotel, Calapan kamakailan.

Ang oryentasyon ay pinangunahan ni Nutrition Action Officer Zipora Manes, katuwang sina City Health Officer Dr. Basilisa M. Llanto at Dr. Ma. Teresita N. Bolor, Population Program at Infectious Diseases Section Manager. Anila, ang gawain ay bilang paghahanda na rin sa gaganaping Diabetes Congress na nakatakda pang ibigay ang detalye sa mga susunod na araw.

Tinalakay sa nasabing oryentasyon ang kahalagahan ng tamang medical at nutrition diagnosis, nutrition education at coordination of nutrition care. Itinuro rin sa mga taga-CHSD ang dapat maging aksyon pagdating sa management, treatment at control ng diabetes kasama ang tamang pagkain o food diet na isang napakalaking factor pagdating sa sakit na nabanggit.

Ang mga ibinahaging kaalaman at iba pang impormasyon sa nasabing aktibidad ay mula na rin sa pitong linggong pagsasanay na dinaluhan ni Manes para sa Diabetes sa Marikina City kung saan nabanggit niya na batay sa datos, ang diabetes ay isang kondisyon kung saan bumababa ang abilidad o kumpletong nababawasan ang abilidad ng body tissues na pangalagaan at gamitin ang sustansiyang nagdudulot ng lakas at enerhiya sa katawan. Ito rin ay nagdudulot ng iba’t ibang kapansanan na nagiging sanhi ng kamatayan.

Ayon sa datos ng Department of Health (DOH), tinatayang nasa anim na milyong Pilipino ang may sakit na diabetes at papasok sa Top 10 na bansa na may diabetes pagdating ng taong 2030.

Inaasahan namang ang mga naibahagi sa ginanap na Diabetes Orientation ay ituturo ng mga taga-CHSD sa mga barangay health worker at iba pang kaugnay na grupo sa lungsod upang madagdagan ang mga kaalaman ng mga mamamayan lalo na sa usapin sa diabetes. (CIO/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s