Tagalog news: Kampanya para sa ‘Zero-Waste Management’, pinaiigting sa Puerto Princesa

PUERTO PRINCESA, Palawan, Dis 6 (PIA) — Nagsagawa ng isang araw na seminar kamakailan ang Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa kaugnay sa ‘Zero-Waste Management’ upang mapalakas ang kampanya kaugnay sa pagpapatupad ng Ecological Solid Waste Management of 2000 (R.A. 9003).

Dito, inimbitahan ang lahat ng mga opisyales ng barangay sa lungsod lalo na ang mga Punong Barangay upang mai-paalala ang mga umiiral na mandato sa kanila sa pamamagitan ng Department of Interior and Local Government (DILG) alinsunod sa nababanggit na batas.

Nagbahagi ng tungkol sa zero-waste management sa nasabing gawain ang pinuno ng Mother Earth Foundation na si Sonia Mendoza. Kaniyang ipinaliwanag ang kahalagahan ng paghihiwa-hiwalay ng mga basura at tamang pamamahala rito upang mapangalagaan ang kapaligiran.

Ang zero-waste management ay nakasaad sa Memorandum Circular No. 2000 – 117 ng DILG na nag-aatas sa lahat ng Provincial Governor, City at Municipal Mayor, mga Punong Barangay, DILG Regional at Provincial Directors, Local Government Operations Officer at iba pang kinauukulan na ipatupad ito.

Kasama ring inilatag seminar ang kampanya kaugnay sa ‘zero-wastes, zero pests’ sa pamamagitan ng Zero Waste Recycling Movement of the Philippines na naglalayong mapanatiling malinis at malusog ang kapaligiran maging ang mga mamamayan.

Binigyang diin naman ni Alexander Coden ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa lalawigan ang mga nakasaad sa batas kaakibat ang karampatang parusa para sa mga lalabag dito.

Samantala, kasabay nito, namahagi ng commitment form ang lokal na pamahalaan na siyang nilagdaan ng mga opisyales ng barangay na naglalaman ng pangakong tatalima sa mga regulasyon at agad na sisimulan ang pagtupad nito sa kani-kanilang pamayanan. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

zerowaste-mgt

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s