Tagalog news: Tricycle drivers, operators sa Calapan sumasailalim sa character discipline seminar

CALAPAN, Oriental Mindoro, Dis. 5 (PIA) – Nasa mahigit 3,000 tricycle drivers at operators ang patuloy na sumasailaim sa Character Discipline Seminar na isinasagawa ng pamahalaang lungsod ng Calapan.

Ang seminar ay isinasagawa sa loob ng dalawang oras sa iba’t ibang araw ayon sa ginawang shedule ng pamahalaang lokal upang ma-accommodate ang mga driver base sa kanilang numero ng prangkisa.

Pinangangasiwaan ang pagbibigay ng lecture ng City Human Resouce Department at ng Public Safety Department (PSD).

Layunin ng seminar ay ipaalala sa tricycle drivers at operators ang iba’t-ibang ordinsang umiiral at ipinatutupad sa lungsod na malimit na nalalabag. Nagtatalaga ng 50 drivers/operators kada seminar upang lubos nilang mapag-usapan at mahimay kung paano ba ito tutuparin.

Tig-apat na batch o grupo naman kada araw na may kabuoang 200 katao sa loob ng isang araw. Sinabi dito ni Choy Aboboto, hepe ng PSD na ang lahat ay kailangang dumalo sapagkat kung sino ang hindi makikiisa sa naturang gawain ay hindi mabibigyan ng clearance mula sa Traffic Management Office (TMO) na kinakailangan para sa renewal ng kanilang prangkisa sa sususnod na taon.

Nagbahagi naman si Marilyn Manigbas ng City Human Resource Department ng mga karakter na dapat taglayin ng isang driver gaya ng honesty, isang katangian na dapat ay dala ng bawat driver sa kanilang pamamasada. Maging matapat sa bawat pasahero kung may naiwan na gamit dapat aniya ay ibalik ito sa pasahero, huwag din abusuhin ang pasahero lalo na at hindi taga Calapan.

Ayon kay Manigbas, ipinagkakatiwala ng pasahero ang kanyang buhay sa driver, kung kaya’t dapat aniya ay alam ng bawat driver ang kanilang pananagutan.

Kinakailangan din, ani Manigbas na magpakita na kagalang-galang na asal o pagtrato sa mga pasahero hindi lamang sa pananalita kundi maging sa personalidad. Hindi aniya kailangang maging gwapo ang mahalaga ay malinis at kaaya-aya o desinteng tingnan ang isang driver.

Binigyang-diin pa ni Manigbas na ang pinakamahalaga ay ang pagiging disiplinadong driver. Dapat ay kayang disiplinahin ng bawat driver ang kanilang mga sarili, huwag maging bastos at walang modo sa pasahero sapagkat dito nakasalalay ang pagkita ng mga ito.

Lubos naman ang pasasalamat ng isang driver sa katauhan ni Manong Omeng sapagkat may mga pagkakataon aniya na talagang nakakalimutan nila ang kanilang mga responsibilidad sa kanilang mga pasahero.

Samantala, sa bawat pagtatapos ng seminar ay pinagkakalooban ang mga driver ng uniporme (vest) na kulay asul mula sa tanggapan ng alkalde may nakasulat na “Mabuting Asal, Tatak Calapeno”. (CIO/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s