Tagalog news: Lungsod ng Calapan, gender-responsive LGU awardee

CALAPAN, Oriental Mindoro, Dis. 5 (PIA) – Tinanggap ng lungsod ng Calapan ang isa sa tatlong parangal na iginawad sa mga Gender-Responsive Local Government Units (LGUs) sa lalawigan sa ginanap na awarding program sa Tamaraw Hall ng Provincial Capitol kamakailan lamang.

Tinanggap ni Dr. Teresita Nieva-Bolor na siyang focal person ng Gender and Development (GAD) ng lungsod ang parangal kasama ang Technical Working Group sa pangunguna ni Nanette M. Geronimo.

Ang pagkakaloob ng nasabing parangal ay patunay lamang ng maayos na implimentasyon ng GAD na itinakda ng RA 9710 o ang Magna Carta for Women na nagsusulong ng pantay na karapatan at oportunidad para sa kababaihan, kasama ang mga nasa marginalized sector ng lipunan.

Ayon kay Atty. Ana Ofloda delos Reyes, Provincial GAD Program Head, inaasahan pa niya ang buong partisipasyon ng lahat ng LGUs sa Oriental Mindoro tungo sa lalo pang maigting at sustenadong pagpapatupad o mainstreaming ng nabanggit na programa sa lahat ng lebel at sektor.

Sa highlight ng okasyon, ang lungsod ng Calapan, bayan ng Naujan at Victoria ay pare-parehong binigyan ng plake at symbolic cheques na may halagang P150,000 na tinanggap ng mga municipal mayors kasama ang kanilang delegasyon.

Ang nabanggit na awarding ay bahagi ng isang linggong pagdiriwang ng 66th Founding Anniversary ng Oriental Mindoro na ginanap kamakailan. (CIO/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s