SAN JOSE, Occidental Mindoro, Dis 5 (PIA) – Nagsamasama kamakailan ang may 50 artists ng Mindoro sa isang pagtitipon na pinangunahan ng GUHIT (Guild for Upholding and Harnessing Indespensable Talent) Pinas Mindoro na ginanap sa ABC Building ng bayan ng San Jose.
Bukod sa makasalamuha ang mga kapareho nilang may angking talento sa sining, layunin din ng nasabing aktibidad ang makapagbahagi ang bawat isa ng kanikanilang nalalaman sa pagguhit.
Bukod dito ay nagsagawa ng iba’t ibang aktibidad ang grupo tulad ng Hugot Art, What’s your name challenge at nagturo ng T-shirt printing.
Ipinakita din dito ang iba pang mga halimbawa ng kanilang mga gawa mula sa iba’t ibang medium gaya ng graphite and charcoal paints, at mga guhit yari sa colored pencils, oil paint, ballpoint, watecolor at sculptor.
Ito ang kaunaunahang pagbisita ng GUHIT Pinas Mindoro sa lalawigan, at isinabay na rin ang opisyal na pagbubuo ng Occidental Mindoro chapter.
Ang GUHIT Pinas ay isang rehistradong non-profit organization sa Pilipinas na naglalayong hasain ang talento ng mga Pilipino sa pagguhit. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)