Tagalog news: Lungsod ng Calapan may bagong Dental Health Bus

CALAPAN, Oriental Mindoro, Dis 2 (PIA) ā€“ Isang bagong Dental Health Bus ang ipinagkaloob kamakailan ng Department of Health (DOH) Mimaropa sa pamahalaang lokal ng lungsod ng Calapan.

Layunin nito na mabigyan ng serbisyong-dental ang mga nangangailangang mamamayan partikular ang mga residenteng nakatira sa malalayong lugar.

Ang mobile dental health bus ay malaking tulong sa pagsasagawa ng programang Lingkod-Barangay na kung saan ang mga serbisyo ng pamahalaan ay inihahatid sa 62 barangays ayon sa scgedule na itinalaga ng lungsod.

Ayon kay Mayor Arnan c. Panaligan, ang dental health bus ay magsisilbing klinika at ito ay higit na magpapaalwan ngayon para sa Dental Team ng City Health and Sanitation Department sa kanilang pagbubunot ng ngipin ng mga pasyente kapag may nakatakdang pagbisita sa mga barangay.

Sa katunayan, ang bus ay may dalawang dental chairs, compressors para sa pagpa-pasta at cleaning, auto-clave machine na pang-sterilize at isang lavatory. (CIO/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

15327382_1326588647430825_8884876002205449586_n

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s