Tagalog news: Kriminalidad sa Occ Min, mas mababa ngayong taon kumpara 2015

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Dis 2 (PIA)—Mas mababa ang kriminalidad sa lalawigan ngayong taon kumpara noong 2015 mula sa mga buwan ng Enero hanggang Oktubre.

Ito ang lumabas sa Comparative Crime Statistics (CCS) na iniulat ni Police Inspector Jonald Bundang, ng Occidental Mindoro Police Provincial Office (OMPPO).

Ayon sa CCS, ang crime volume ng nakaraang taon ay umabot sa 1,235 samantalang 818 na lamang ngayong taon. Nangangahulugan ito ng pagbaba ng 417 kaso o 33.7 porsyento.

Ang index crimes noong nakaraang taon ay nakapagtala ng 501 na kaso samantalang 287 na lamang ngayong taon. Kinabibilangan ito ng mga krimen tulad ng murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, carnapping, at cattle rustling. Sa mga krimeng ito, physical injury ang may pinakamataas na bilang kung saan may naitalaang 95 na kaso, sumunod ang theft na may 56 na kaso at robbery na may 47 na kaso.

Ayon kay Bundang, nagpataas sa bilang ng physical injury ang vehicular accidents kung saan kalimitang dahilan ay ang mabilis na pagpapatakbo o kaya naman ay pagmamaneho na nasa impluwensya ng alak.

Samantala, naging masigasig din ang kapulisan sa Oplan Tokhang (Toktok-Hangyo o kumatok at makiusap). Mula unang araw ng Hulyo hanggang ika-17 ng Nobyembre ngayong taon, ay nakapagsagawa ang mga kapulisan sa lalawigan ng 2,248 na pagbisita sa mga kabahayan. Base sa datos, ang Municipal Police Station (MPS) ng bayan ng San Jose ang may pinakamaraming naisagawang Oplan Tokhang kasunod ang MPS ng bayan ng Paluan.

Paliwanag ni Bundang ang tagumpay sa pagbaba ng kriminalidad sa lalawigan ay dahil sa tagumpay ng Operation Lambat Sibat at Oplan Tokhang. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s