Tagalog news: 4 barangay sa Calapan ideneklarang drug-free

CALAPAN, Oriental Mindoro, Dis 2 (PIA) – Apat na barangay na kinabibilangan ng mga barangay ng Biga, Nag-Iba 1, Tawagan at Navotas ang ideneklarang drug-free barangays sa lungsod kamakailan.

Ayon sa ulat ng City Information Office, ang barangay Biga na kung saan ito ay “point of exit and entry” ay napatunayan ng ahensya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Mimaropa, Calapan City Police, barangay officials, paaralan at religious sector na malinis sa usaping droga gayundin ang tatlo pang nabanggit na mga barangay.

Ayon kay Engr. Alfredo Lupig ng PDEA, lahat ng nabanggit na barangay ay sumailalim sa masusing ebalwsyon at lumabas ang resultang pinagsama sama na nagpapatunay na drug-free ang mga nabanggit na barangay.

Sinabi ni Calapan City Chief of Police, Police Superintendent Jonathan Paguio na hindi halos tumitigil ang kanilang buong pwersa at tanggapan upang ikutin ang bawat barangay gayundin ang pakikipag-ugnayan sa mga opisyal kaugnay pa rin sa programang Oplan Tokhang. Patuloy pa silang nagpapatupad ng kanilang proyektong Double Barrel hanggang makapagdeklara pa ng ibang barangay na drug-free.

Samantala, sa mensahe ni Philippine National Police (PNP) Provincial Director Police Senior Superintendent Christopher C. Birung, ang ginagawa nila sa buong Oriental Mindoro ay seremonya ng pakikipaglaban sa droga.

“Seryoso itong laban sapagkat ang komunidad ay apektado dito. Kung ang isang lugar ay tahimik isang dahilan ito upang dayuhin bilang bahagi ng turismo at mag-aangat ito sa kabuhayan sapagkat hindi mangingilag ang mga investor na pumasok dito,”ayon kay Birung.

Inamin din ni Birung na 70 porsiyento saan mang lugar sa bansa ay drug-related kaya napakalaking hamon ito sa hanay ng kapulisan. Ito aniya ang pangunahing programa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ang war on drugs.

Dagdag pa ni Birung, kung may mga nalalaman ang sinuman na gumagamit, nagbebenta at ang personalidad nito ay related sa droga ay huwag mag atubiling isangguni sa PNP, PPDEA at mga barangay official.

Ayon naman kay Calapan Mayor Arnan C. Panaligan, ang apat na barangay na napatunayang drug free ay patuloy pa ring imomonitor dahil hindi nangangahulugan na isasawalang bahala ang mga barangay na ito dahil deklarado na. Ani Panaligan, malaking hamon sa kapulisan ang kampanyang ito sapagkat may 58 pang barangay sa lungsod ang binabantayan.

Binigyan din ng punong lungsod ng kautusan ang PNP sa lungsod na magtrabaho 24/7 sapagkat ayon sa kanya, “kung tahimik ang isang lugar mawawala ang takot at pangamba ng bawat isa.” (CIO/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

15202497_1326592564097100_5895331627831363492_n

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s