Lathalain: Pagpapailaw ng higanteng ‘Christmas Tree’ sa Puerto Princesa, dinagsa

PUERTO PRINCESA, Palawan, Dis 2 (PIA) — Pinailawan na kagabi ang higanteng Christmas Tree sa Baywalk ng lungsod ng Puerto Princesa, kung saan dumagsa ang libu-libong manonood upang saksihan ang tampok sa magkasabay na pagdiriwang ng pasko at kapiyestahan ng siyudad ngayong taon.

Ito ay hudyat ng pagsisimula ng mga aktibidad sa selebrasyon hanggang sa huling araw ng buwan sa pagsalubong sa bagong taon.

Bago ang pagpapailaw sa Christmas Tree, naging tampok muna ang konsyerto ng 23 grupo ng mga mang-aawit mula sa iba’t ibang paaralan at pribadong grupo na nag-aanyaya sa mga bisita sa pamamagitan ng mga awiting pamasko.

Sama-sama ring nagsindi ng puting kandila ang lahat ng nakisayang mamamayan, maging ang mga turista habang kumakanta ng awiting pinamagatang “Payapang Daigdig”. Sinundad ito ng mensahe ng pasasalamat ni Mayor Lucilo Bayron at saka pinailawan ang matayog at makulay na Christmas tree kasunod ang ilang minutong pyro-musical display.

Ang tinaguriang ‘Community Christmas Tree’ ay isa sa mga pinakamataas na christmas tree sa buong bansa na may taas na 120 talampakan. Mayroon itong limang malalaking bituin na kumakatawan sa 66 na pinagsama-samang mga Barangay sa lungsod. Nagsisimbolo rin ito ng pagkakaisa ng mga mamamayan ng Puerto Princesa bilang isang komunidad.

“Noong mga nakalipas na taon, 60 talampakan lang ito, itinaas na natin ng 120 para mas maipagmamalaki natin sa ibang lugar,” ani Bayron.

Nakaugalian nang dayuhin ng mga mamamayan ng lungsod ang Baybay sa tuwing magsisimula ang buwan ng kasiyahan upang makiisa sa mga inihandang programa ng pamahalaang lungsod. Nagsisilbi rin itong atraksyon sa mga turista, lokal man o dayuhan. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s