Tagalog news: Surrenderees ng Oplan Tokhang sa Calapan sumasailalim sa 30-day rehab

CALAPAN, Oriental Mindoro, Dis. 1 (PIA) – Kasalukuyang sumasailalim sa 30-day out patient rehab ang nasa mahigit 100 surrenderees ng Oplan Tokhang sa lungsod ng Calapan.

Ang rehab program ay sinimulan noong ika-21 ng Nobyembre 2016 at matatapos sa darating na ika-21 ng Disyembre na isinasagawa sa Bishop House, Brgy. San Rafael, Calapan City.

Ayon kay City Health and Sanitation Department Officer Dr. Basilisa Llanto, ang naturang out-patient rehab ay bahagi ng Road to Recovery and Reintegration o R3 Program para sa surrenderees kung saan ay pilot project ito ng Regional Health Office (RHO).

Ito rin ang programang kolaburasyon na nagsimula sa simbahan ang ideya na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni Mayor Arnan C. Panaligan katuwang ang Calapan City Police Station na pinamumunuan ni Police Superintendent Jonathan P. Paguio, kasama ang RHO at ang RA Fernando Services.

Layunin ng programang ito ang magkaroon ng commitment ang mga drug surrenderee sa pakikipagtulungan ng mga Barangay Chairman. Isa rin sa magandang hatid ng programa ay makatulong sa mga surrenderee na magkaroon sila ng livelihood na aalalay kapag sila ay tuluyang nakalimot sa masamang bisyo.

Dahil dito, nakahandang bigyan ang mga ito ng pagkakataong kumita sa pamamagitan ng programa mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Samantala, ayon sa ulat ng City Information Office, sa loob ng 30 araw na programang ito ay hindi uuwi ng walang pakinabang ang mga surrenderee sapagkat may iuuwi sila sa kanilang pamilyang sasagip sa kanilang hapag kainan. (CIO/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s