Tagalog news: Pagprotekta sa kagubatan tinalakay ng PENRO-Marinduque kasabay ng People’s Day

BOAC, Marinduque, Nob. 30 (PIA)- – Tinalakay ng mga kinatawan ng DENR- Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) – Marinduque ang tungkol sa pagprotekta ng kagubatan sa mga mamamayan ng Brgy. Sibuyao, Torrijos.

Bilang pakikiisa ng ahensya ng pamahalaan sa National Environmental Awareness Month, nanawagan ang ahensya sa mga dumalo ng People’s Day na itigil na ang ilegal na pamumutol ng punong kahoy lalo na sa kalapit lugar nito sa kabundukan ng Barangay Tambunan, Boac na nasasakupan ng Marinduque Wildlife Sanctuary na mahigpit na pinapangalagaan ng mga bantay kagubatan.

Ayon kasi sa Section 77 ng Presidential Decree Number 705 (Revised Forestry Code of the Philippines), maaaring magmulta na aabot sa halagang P20,000 at maharap sa anim na buwan hanggang dalawang taong pagkakakulong ang sinumang mahuling nagputol o nangolekta ng mga punong kahoy mula sa alienable at disposable public land at pribadong lupa ng walang legal na permit at dokumento mula sa DENR.

Dagdag naman ng PENRO para sa mga nagnanais na magpaputol ng kanilang puno na maituturing endemic sa kanilang bakuran gaya ng narra at molave, kailangan nilang makumpleto ang iba’t ibang papel na hinihingi ng pamunuan: 1) letter of request sa PENRO; 2) titulo ng lupa; 3) larawan ng punong kahoy; 4) barangay clearance, at; 5) Mayor’s permit.

Hinimok rin ng mga opisyal ang mga mamamayan ng Sibuyao na kailangan nilang iparehistro ang kanilang mga chainsaw upang mabigyan sila ng lisensya o otorisasyon at maiwasan ang paglabag sa alituntunin ayon na rin sa nakasaad sa Chainsaw Act of 2002. (PIA-Marinduque/ADSD)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s