Tagalog news: Gobernador ng Romblon at Oriental Mindoro, lumagda sa Declaration of Commitment

ODIONGAN, Romblon, Dis. 1 (PIA) — Parehong lumagda si Romblon Gov. Eduardo C. Firmalo at Oriental Mindoro Gov. Alfonso Umali Jr. sa Declaration of Commitment para sa pagsusulong ng sustainable economic growth ng dalawang lalawigan.

Kabilang din sa lumagda sa naturang kasunduan ang chairman ng Philippine Chamber of Commerce and Industry sa lalawigan ng Romblon at Oriental Mindoro sa katauhan nina Jimmy Tan at Gerardo Concepcion.

Ito ay isinagawa kamakailan sa Harbour Chateau Hotel sa bayan ng Odiongan, Romblon.

Nais ng dalawang gobernador na makabuo ng komprehesibong plano upang parehong makinabang at mai-angat ang ekonomiya ng dalawang lalawigan kung saan halos ilang linggo ring pinag-usapan ng magkabilang panig.

Sa panayam ng lokal na mamamahayag kay Governor Umali, sinabi nito na malaki ang tiwala ng Oriental Mindoro sa lalawigan ng Romblon lalo’t pinagtibay pa ito ng Declaration of Commitment na pareho nilang pinirmahan ni Governor Firmalo.

“Gusto namin na mas pagandahin ang Mimaropa at wala dapat maiiwan.” huling pahayag ni Umali.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s