Tagalog news: PENRO Marinduque nagsagawa ng Dalaw-Turo sa Sibuyao, Torrijos

BOAC, Marinduque (PIA) Nob.29 — Bilang pakikiisa sa National Environmental Awareness Month ngayong buwan ng Nobyembre, nagsagawa ang Department of Environment and Natutal Resources (DENR) – Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) Marinduque ng pagtalakay tungkol sa pangangalaga ng ating kalikasan sa mga mag-aaral ng Sibuyao National High School.

Sa unang bahagi ng kanilang programang Dalaw-Turo, tinuruan ang mga kabataan ng SNHS ng isang chant na sabay-sabay at taas-kamaong isinigaw ang linyang “Kalikasan Pangalagaan Para sa Ating Kinabukasan”. Bukod dito ay itinuro rin sa kanila ang ibig-sabihin ng web of life o ang sapot ng buhay. Nais nilang ipamulat sa mga mag-aaral ng mataas na paaralan na ang anumang bagay, halaman man o hayop ay magkakaugnay at may malaking epekto sa tao kung ang isa man sa kanila ay tuluyang mawala.

Nagkaroon din ng isang maiksing pagtatanghal ang mga manggagawa tungkol sa kahalagahan ng kagubatan. Binigyang diin dito ng mga taga-PENRO ang kanilang matinding pagtutol sa pagtotroso at pagkakaingin sa mga kabundukan tulad na lamang ng Marinduque Wildlife Sanctuary na sinasakop ang mga bayan ng Gasan, Sta. Cruz, Buenavista, Boac at Torrijos na mahigpit na pinoprotektahan ng mga taong bantay kagubatan.

Dahil na rin sa epekto ng climate change, nagbigay din ng kaalaman at tamang hakbang ang pamahalaang ahensya kung papaano nila maiiwasan ang hindi biglaang pag-init sa ating kapaligiran. Paalala ni Miss Jhoanna Medinilla sa mga estudyante, napakahalaga sa ating kalikasan ang pagtitipid sa pagkonsumo ng enerhiya gaya ng pagatay ng ilaw kung hindi naman kinakailangan at pagbunot ng mga plug ng mga gadgets at appliances kung tapos na itong gamitin.

Bago naman magtapos ang Dalaw-Turo, iminungkahi sa bawat mag-aaral na dumalo sa palatuntunan na ang kanilang mabisang tulong na maibibigay upang maligtas ang Inang Kalikasan ay ibahagi nila sa kanilang pamilya at kakilala ang mga napulot nilang kaalaman at isagawa ito sa tama at wastong pamamaraan. (PIA 4B/MARINDUQUE- ADSD)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s