Tagalog news: Nutrisyon sa lalawigan, kabilang sa prayoridad ng Occ Min LGU

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Nob 29 (PIA) – Kabilang sa prayoridad ng pamahalaang panlalawigan ang kalagayan ng nutrisyon sa buong lalawigan ayon kay Provincial Nutrition Action Officer (PNAO) Dr. Arceli T. Rebong.

Katunayan, ayon kay Dr Rebong, naitala noong 2013 na ang Occidental Mindoro ang may pinakamataas na kaso ng malnutrisyon sa Mimaropa, subalit nabago ito noong 2015. Mula sa pinakamataas na kaso ng malnutrisyon sa rehiyon ay pumangatlo na lamang ang lalawigan.

“Malaki ang suportang ibinigay ni Gob (Governor Mario Gene Mendiola) para sa nutrisyon, kaya napagibayo pa natin ang kampanya (laban) sa malnutrisyon”, pahayag ni Dr. Rebong.

Isa sa mga aksyong isinagawa ng tanggapan ni Dr. Rebong ay ang pagpapalit ng mga bagong timbangan sa mga health centers. Aniya, malaki ang posibilidad na hindi nakukuha ang tamang timbang ng mga bata sa barangay kaya hindi naibibigay ang tamang pagaalaga dito.

Tiningnan din ang mga birthdates o araw ng kapanganakan ng mga bata upang makapagsagawa ng tamang pagsusuri sa katatayuang pang nutrisyon ng mga ito.

“Nagasagawa din tayo ng massive mass feeding sa kumunidad at paaralan gamit ang GM (Garantisadong Masustansya) powder”, dagdag pa ni Dr. Rebong.

Sa kasalukuyan patuloy ang ‘monitoring‘ ng tangapan ng PNAO sa kalagayang pang nutrisyon ng lahat ng bayan sa lalawigan lalo na ng Abra de Ilog at Paluan.

Lumabas sa pagaaral ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) na kabilang ang nasabing mga bayan sa may mataas na kaso ng malnutrisyon.

“Patuloy naman ang mga programa (pang nutrisyon) sa iba’t ibang bayan at katulong natin dito ang NNC (National Nutrition Council). Ang mahalaga ay nagtutulungan ang mga munisipyo, lalawigan at mga ahensya ng pamahalaan sa pagresolba sa malnutrisyon” paliwanag pa ni Dr. Rebong. (VND/PIA MIMAROPA/ Occ Min)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s