Tagalog news: 640 sako ng coconut fertilizer, ipinamahagi sa mga magsasaka sa Romblon

ROMBLON, Romblon, Nob. 29 (PIA) — Pinangunahan ng Philippine Coconut Authority (PCA) katuwang ang Office of the Municipal Agriculturist (OMAg) – Romblon ang pamamahagi ng 640 sako ng pataba o abono sa niyog para sa mga magsasaka ng niyog sa bayan ng Romblon.

Sinabi ni Hazel B. Noche, coconut development officer ng PCA-Romblon, na malaki ang maitutulong nito sa mga magsasaka sapagkat kaya nitong pataasin sa unang aplikasyon sa niyugan ng halos 25 porsiyento ang pamumunga ng bawat niyog, mas higit na napapatigas ang laman ng mga bunga at nababawasan ang moisture content nito dahilan para mas magging mabigat ang bawat niyog.

Kanya ring ipinaliwanag sa mga magsasaka ang tamang paraan ng paggamit ng salt fertilizer na bukod sa mas mura ay mas may higit na benepisyong hatid sa mga magtatanim ng niyog.

Ayon pa kay Noche, bawat isang ektarya ay dapat may apat na sakong abono ang mai-aplay sa mga tanim na niyog upang gumanda ang pamumunga.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga magsasaka mula sa Bgy. Sawang at Bgy. Mapula sa pagtugon ng PCA sa kahilingan na mapagkalooban ng mga pataba bilang ayuda ng pamahalaang nasyunal sa mga nasirang puno ng niyog ng mga nagdaang kalamidad.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s