Tagalog news: Solar Home System Units ipinamahagi sa 3,250 residente sa Taytay, Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Nob. 28 (PIA) — Magiging maliwanag ang Pasko ng 3,250 residente ng Taytay, Palawan matapos tanggapin ng mga ito ang Solar Home System Unit (SHS) mula sa pamahalaang panlalawigan ng Palawan.

Ang pamamahagi kamakailan ng mga Solar Home System ay sa pamamagitan ng Energy Development Program (EDP) ng pamahalaang panlalawigan para sa mga komunidad sa buong Palawan na malayo sa linya ng kuryente o itong mga komunidad na nasa liblib na lugar at hindi naaabot ng daloy ng kuryente.

Ang nasabing bilang ng mga benepisyaryong residente ay mula sa 25 barangay ng nasabing bayan na ayon kay Engr. Ric Rodriguez ng EDP ay dumaan sa masusing validation ang mga aplikante kaya makasisiguro na ang makakatanggap ng libreng pailaw ng pamahalaang panlalawigan ay mga kwalipikado para sa nabanggit na programa.

Nakatakda naman ang pamamahagi ng Solar Home System sa mga munisipyo sa bahaging sur ng lalawigan partikular sa mga bayan ng Quezon, Sofronio Espanola, at Bataraza sa susunod na mga linggo.

Ang Individual Solar Home System Project ay nakapaloob sa Palawan Energy Development Plan 2015-2035. Ito ay ipinatutupad ng Energy Development Program-Barangay Electrification Project ng pamahalaang panlalawigan sa pangangasiwa ni Engineer Saylito Purisima. (PIO/OCJ-PIA Palawan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s