Tagalog news: Environment Summit, isinagawa sa Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Nob 28 (PIA) — Upang matalakay ang mga problemang pangkalikasan sa Palawan at makabuo ng solusyon, isinagawa ang dalawang araw na Environmental Summit sa VJR Hall ng Kapitolyo kamakailan.

Layon ng gawain na matugunan ang mga minimithi ng pamahalaan na matiyak at mapaangat ang pangkalahatang kapakanan ng mga tao at upang masiguro ang integridad at pagpapanatili ng ekosistema.

Tinuran ni Department on Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Marlo Mendoza na napakahalaga ng Palawan dahil maituturing itong ‘mega diverse’ na lugar sa bansa. Subalit sa kabila nito ay may mga nakikitang banta sa ekosistema ng lalawigan.

Lumalabas na pangunahing suliranin na may matinding epekto sa kapaligiran ay ang kahirapan. Aniya, kapag may mataas na kaso ng kahirapan sa komunidad, tiyak na masisira ang ano mang pinagkukunan para lang mabuhay ang mga mamamayan.

“Kapag hindi natugunan ang mga problema sa green, blue at brown ecosystem, malaki ang epekto nito sa pamumuhay ng mga tao,” ani Usec. Mendoza. Dagdag pa ni Mendoza, hindi lamang nakatuon ang kasalukuyang gobyerno sa karaniwang negosyo sa pagpapatupad ang mga programa at proyekto kundi may mga prinsipyo itong pinagbabatayan at isinasa-alang-alang tulad ng social justice, good governance, social entrepreneurship na mangangailangan ng suporta mula sa lokal na pamahalaan at mga estratehiya upang makita ang kabuoang kapakanan ng pamayanan.

Kaugnay nito, positibo naman ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan na magagampanan nila ito sa pamamagitan ng ayuda mula sa Pamahalaang Nasyunal, katuwang ang iba’t ibang sektor na kalahok sa pagpupulong.

“Hindi namin kakayaning maipatupad ang mga isinusulong na plano para sa kabutihan ng mga mamamayan kung kaya kailangan namin ang tulong ng DENR, iba pang ahensya, kahit ang mungkahi mula sa mga Non-Government Organization (NGO)”, ani Governor Jose Chaves Alvarez . (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s