Tagalog news: DOT Mimaropa, nagsagawa ng pagsasanay sa pangangalap ng datos sa turismo

BOAC, MARINDUQUE, Nob. 28 (PIA)– Sa tatlong araw na Advanced Tourism Statistics Training Session na isinagawa ng Department of Tourism (DOT) – Marinduque, nabigyan ng kaalaman ang mga opisyal ng pamahalaang lokal tungkol sa pangongolekta ng datos at impormasyon sa mga natatanging tourist attractions at accommodation establishments na nakapalibot sa lalawigan.

Ilan sa mga nais malaman ng DOT Mimaropa sa pangunguna ni Miss Faye A. Reyes at ng mga LGUs at Municipal Tourism Officers ay ang profile, expenditures at economic status ng mga turistang bumibisita rito. Sa kanilang ikalawang araw na training session, minabuting bisitahin ng regional officers at MTO ang View Deck at Balanacan Port upang makapag-interbyu sa mga dumarayo tungkol sa kanilang karanasan sa pagbisita dalawang tourist destinations na ito.

Ayon kay Reyes, mas dinarayo pa rin ang Marinduque tuwing buwan ng Marso at Abril sa tuwing ipinagdiriwang dito ang Moriones Festival tuwing Mahal na Araw. Subalit, dagdag pa niya, bibihira na magkaroon ang Probinsya ng Marinduque ng foreign tourists sa mga ordinaryong panahon tulad ngayong panahon ng tag-ulan. Isa sa kanyang mga nakikitang dahilan kung bakit mababa ang bilang ng mga dumarating na turista ay ang mahabang pagbyahe papunta rito.

Pero base sa kanya, kung mas mapapaunlad at mapapaganda pa raw lalo ng Provincial Tourism Office at ng LGU ang mga eco-tourism spots, hindi malabong ito ang maging dahilan ng pagdagsa ng turista sa mga natatanging atraksyon ng probinsya. (ADSD/ PIA- Marinduque)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s