Tagalog news: Volunteer Brgy Sanitary Inspectors sa Busuanga nagsanay ukol sa kalusugang pangkalahatan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Nob. 25 (PIA) — “Malinis na Kapaligiran Tungo sa Kalusugang Pangkalahatan”, ito ang tema ng apat na araw na pagsasanay ng mga Volunteer Barangay Sanitary Inspector (VBSI) ng Bayan ng Busuanga sa pangunguna ng Provincial Health Office (PHO) ng pamahalaang panlalawigan.

Ang pagsanay na ito ay sa pamamagitan ng Community Volunteer Health Worker (CVHW) Development Program kung saan nakapaloob dito ang VBSI.

Ayon kay Elvie Redon Lao, VBSI Program Manager, ang komprehensibong pagsasanay na ito ay isang pamamaraan upang mapalawak ang kaalaman na mga VBSI sa lalawigan at sa pamamagitan nito ay maihahatid ang pangunahing serbisyong pangkalusugan para sa mamamayan.

Aniya, nakatuon ang pagsasanay sa pagpapataas sa antas ng kamalayan ng mga mamamayan patungkol sa mga sakit dulot ng maruming kapaligiran at ang mga dapat isaalang-alang upang mapanatili ang kalinisang pangkalahatan.

Katuwang rin dito ng PHO sa paghahatid ng serbisyong sa bayan ng Busuanga ang Municipal Health Office (MHO) sa pangunguna ni Dr. Lesaldeo Moses Princesa na siyang magbahagi ng paksa tungkol sa “Mga Sakit na may Kinalaman sa Maruming Tubig, Kalinisan sa Kapaligiran at Katawan.”

Samantala, ilan pa sa mga paksang tatalakayin sa naturang pagsasanay ay kinabibilangan ng mga modyul sa Malinis na Palikuran; Pamamahala sa Basura; Sanitasyon sa Pagkain; Edukasyong Pangkalusugan at Pag-organisa ng Komunidad at ang Pagkontrol ng Insekto at Peste.

Ani Lao, ang pagsasanay na ito ay pagpapaigting sa mga programa ng Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ng PHO. Patuloy ang kanilang isinasagawang pagsasanay sa lahat ng VBSI sa buong Palawan dahil ang mga ito ay kanilang katuwang sa pagtataguyod ng pangkalahatang kalusugan para sa mga mamamayan. (PIO/OCJ-PIA Palawan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s