Tagalog news: Ms. Netherlands, kinoronahan bilang Ms. Asia Pacific International 2016

PUERTO PRINCESA, Palawan, Nob. 25 (PIA) — Si Miss Netherlands Tessa Helena Le Conge ang kinoronahan bilang Miss Asia Pacific International 2016 kagabi sa isinagawang patimpalak kagandahan sa Sheridan Beach Resort & Spa, dito sa lungsod.

Itinanghal naman na 1st Runner Up si Ms. Thailand Chawanya Thanomwong, 2nd runner Up si Ms. Philippines Ganiel Akrisha Krishnan, 3rd Runner Up si Ms. Cook Islands Felicia George at 4th Runner Up si Ms. Korea Soyeon Kim.

Nakuha naman ni Ms. Colombia Jose Stephanie Fernandez ang Best in Evening Gown at Best in Swimsuit naman si Ms. Thailand. Kinilala naman bilang Ms. Sheridan Resort and Spa si Ms. Korea.

Ang Miss Asia Pacific International na nagsimula noong 1968 ay kilala bilang Miss Asia Quest, Inc. na itinatag sa pangunguna ni Biboy Enriquez na nagbigay daan upang itanghal ito taon-taon hanggang 1983. Si Ms.China Macy Shih ang kauna-unahang Miss Asia.

1984 naman ng maging Miss Asia Pacific ang nasabing patimpalak at si Ms. Turkey Melek Gurkan ang nagwagi dito. Upang mas mapalawak pa ang nasabing patimpalak at upang maging pandaigdigan, ito ay ginawang Miss Asia Pacific International noong 2005 kung saan itinanghal na Ms. Asia Pacific International si Ms. Costa Rica Leonora Jimenez ngunit nagbitiw ito at humalili sa kanya si Ms. Russia Yevgeniya Lapova. Matapos ang pagtatangghal noong 2005 ito ay muli sanang isasagawa sa bansang Cambodia ngunit dahil sa Maoist demonstration doon ay kinansela ito ng mga organizers at mula noon ay hindi na ito muling nasundan pa.

Mula ng isagawa ang patimpalak na ito ay apat na Filipina na rin ang nakapag-uwi ng korona dito, ito ay sina Maria del Carmen noong 1982, Gloria Dimayacyac noong 1983, Lorna Legaspi noong 1989 at Michelle Aldana noong 1993.

Matapos ang isang dekada, ang Miss Asia Pacific International Pageant sa pamamagitan ng Miss Asia Pacific International Limited ay muling binuhay ng mga organizer upang makabalik sa ranggo nito sa global beauty pageant industry.

Ang muling pagbabalik nito ngayong taon ay matagumpay na inilunsad sa Puerto Princesa City partikular na sa Sheridan Beach Resort & Spa kung saan nga ay tinanghal na Ms. Asia Pacific International si Ms. Netherlands.

Ang nasabing patimpalak kagandahan ay suportado ng Department of Tourism kung saan malaki ang naitutulong nito sa turismo ng lugar o bansa kung saan ito ginaganap. (OCJ/PIA-Palawan)

15129089_578592968992366_3630189561068703181_o

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s