Tagalog news: 2 barangay sa San Agustin, idineklarang ‘drug-free’ ng PNP

SAN AGUSTIN, Romblon, Nob. 24 (PIA) — Idineklara ng Philippine National Police (PNP) na malinis na sa droga ang dalawang barangay sa bayan ng San Agustin, Romblon na kinabibilangan ng Bgy. Binongaan at Bgy. Lusong.

Ang mga idineklarang drug cleared barangay ay binigyang pagkilala kahapon sa isang simpleng seremonya na dinaluhan nina Mayor Esteban Santiago F. Madrona, Municipal Local Government Operations Officer Divina S. Solidum, MADAC Chairman at mga miyembro ng Barangay Anti-Drug Abuse sa naturang munisipalidad.

Ayon kay PSInsp. Clarms C. Mutia, chief of police ng San Agustin MPS, may batayan ang pulisya upang maidelarang drug-cleared ang isang barangay.

Kabilang aniya dito ang non-availability of drug supply, walang drug transit o transshipment; walang drug pusher na naipakulong o sumailalim sa rehabilitasyon; walang protektor o financier ng drugs; may aktibong pakikiisa ang barangay at kabataan sa kampanya; pagsasagawa ng drug preventive education, paglalagay ng voluntary and compulsory drug treatment and rehabilitation desk, walang clandestine drug lab o warehouse at walang plantasyon o taniman ng marijuana.

Sinabi naman ni Mayor Madrona na mas paiigtingin pa nila ang kampanya kontra droga at hinihiling nito sa kanyang mga constituents na makiisa at makipagtulungan upang matuldukan ang paglaganap ng ipinagbabawal na gamot.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s