Tagalog news: School building mula sa KALAHI CIDSS sa bayan ng Romblon, pinasinayaan

ROMBLON, Romblon, Nob. 23 (PIA) — Binasbasan at Pinasinayaan na noong Biyernes ang bagong gusali na may dalawang silid-aralan sa Alad National High School sa bayan ng Romblon sa pangunguna ng mga opisyal ng local na pamahalaan at DepEd Division of Romblon.

Ang naturang gusali ay nagkakahalaga ng P1.5 milyon na proyektong pang-imprastraktura ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na KALAHI-CIDSS o ang Kapit Bisig Laban sa Kahirapan Program – Comprehensive Integrated Delivery of Social Services sa nasabing bayan.

Sa talumpati ni Mayor Mariano M. Mateo sa araw ng inagurasyon ay sinabi nito na mabilis na natapos ang nasabing proyekto dahil sa pagkakaisa ng lokal na pamahalaan, Department of Social Welfare and Development, Department of Education at pakikipagtulungan ng mga residente ng Bgy. Alad.

Nagpasalamat din si Roger F. Capa, OIC-Schools Division Superintendent sa pamunuan ng DSWD at LGU Romblon dahil ang mga bagong silid aralan ay makatutulong ng malaki sa kanilang implementasyon ng K-12 Program.

Ayon sa kinatawan ng DSWD Romblon, matibay ang pagkakagawa ng bagong gusali at maaari rin na gamiting evacuation center kapag may kalamidad o sakunang dumating sa naturang lugar.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s