Tagalog news: ‘Satellite registration’ isasagawa ng Comelec sa Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Nob. 23 (PIA) — Magsasagawa na ng ‘satellite registration’ sa mga barangay sa Palawan ang tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) na nakabase sa mga munisipyo.

Ito ang inihayag ni Jomel Ordas, tagapagsalita ng Comelec-Palawan sa isinagawang Kapihan sa PIA kamakailan. Ayon dito, ang hakbang na ito ng Komisyon ay bunsod umano ng mababang bilang ng mga nagpaparehistro mula ng ikasa ang ‘continuing registration’ noong Nobyembre 07, 2017.

Layon din nito na maserbisyuhan pa ang mga mamamayan sa Palawan na hindi pa naka-rehistro partikular na ang mga nasa malalayong barangay na wala pang panahon upang tumungo sa tanggapan ng Comelec sa kani-kanilang mga lugar.

Target ng Comelec na makapag-sagawa ng ‘satellite registration’ sa bawat barangay ng dalawang beses bago ang Abril 29, 2017 ang huling araw ng rehistrasyon.

Dagdag ni Ordas, ang pagsasagawa ng satellite registration kung saan mismong ang mga tauhan ng Comelec na ang tutungo sa mga barangay para magrehistro ay batay pa rin sa kahilingan ng lokal na pamahalaang bayan, pamahalaang barangay, mga grupo o asosasyon na may kakayahang sagutin ang transportasyon ng Voter Registration Machine at personnel ng Comelec upang maisakatuparan ito.

Sa talaan na inilabas ng Comelec-Palawan sa unang linggo ng rehistrasyon ay nakapagtala lamang ito ng kabuuhang 1,066 kasama na dito ang sa Puerto Princesa na nasa 508. Marami dito ang sa bayan ng Brooke’s Point na ay bilang na 238 at ang iba pang munisipyo sa Palawan ay hindi umabot sa 100 ang nagparehistro, kaya gayun na lamang ang hangarin ng Comelec-Palawan na magsagawa ng ‘satellite registration’ sa mga barangay.

Muli namang nanawagan si Ordas sa mga mamamayan sa lalawigan sa pamamagitan ng tulong ng mga lokal na mamamahayag sa Palawan na magparehistro ng maaga upang maiwasan ang pagsisiksikan sa huling araw ng rehistrasyon.

Ipinabatid din ng Comelec-Palawan na bukas sila mula Lunes hanggang Sabado hanggang sa Abril 29, 2017, maliban nalang sa mga araw ng Linggo at mahahalagang Holiday tulad ng Disyembre 24 at 25 dahil sa Pasko, Disyembre 31, 2016 at Enero 01, 2017, dahil sa Bagong Taon at Marso 13 at 14 dahil sa ito ay mahal na Araw.

Ang isinasagawang rehistrasyong ito ay para sa October 23, 2017 Barangay and SK Elections.

Kasabay din ng pagsasagawa ng satellite registration ay ang pagdi-distribute ng mga Voters ID na naimprinta mula taong 2010 – 2015 subalit hindi pa naki-claim sa mga opisina ng Comelec. (OCJ/PIA-Palawan)

kapihancomelec

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s