Tagalog new: ‘No segregation, no collection policy’ mahgpit na ipinatutupad sa Puerto Princesa

PUERTO PRINCESA Palawan, Nob 23 (PIA) — Mahigpit nang ipinatutupad sa lungsod ng Puerto Princesa simula noong Nobyembre 15 ang polisiya na “No Segregation, No Collection” na ipinag-utos ng National Solid Waste Management Commission (NSWMC) alinsunod sa umiiral na Republic Act 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000).

Sa pamamagitan ng liham, ipinarating ng City Solid Waste Management (CSWM) sa mga pamunuan ng barangay at opisina ng pribado pang pampubliko ang paabiso kaugnay sa kanilang ipatutupad na polisiya.

Nakasaad din sa liham na kanila nang tatanggalin ang mga basurahan na nakatalaga sa bawat komunidad sa lungsod upang ma-obliga ang mga residente na sa Material Recovery Facilities (MRF) ilagay ang mga pinag-hiwa-hiwalay nang mga basura mula sa mga residensiya saka nila ito kokolektahin.

Ikinabigla naman ng mga opisyales ng barangay ang paabiso ng CSWM dahil ang ilan sa kanila ay walang lugar para sa MRF. Tinuran ng Pangulo ng Liga ng mga Barangay sa lungsod na si Patrick Alex Hagedorn, na nangangamba rin silang baka hindi kayanin ng MRF ang dami ng basura kung kapag inalis ang mga basurahan maging sa mga pangunahing lansangan.

Bunsod nito, inimbitahan ng kahapon ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular na sesyon sina John Andrew Russel, program manager ng CSWM, Atty. Carlo Gomez ng City Environment and Natural Resources Office (ENRO) at pamunuan ng City Legal Office upang ipaliwanag ang kanilang mga pamamaraan sa pagpapatupad ng polisiya.

Isa-isang inilatag sa plenaryo ng mga konsehal ang hinaing ng mga mamamayan kaugnay sa pamamaraan ng pagpapatupad ng batas, lalo na’t wala na umanong mapag-tapunan ng basura dahil sa kawalan ng MRF sa ilang barangay. Idinagdag pa ng mga konsehal ang kakulangan ng paabiso sa mga mamamayan.

Gayon pa man, iginiit ni Russel na kanilang susundin ang batas na dahil minsan na rin aniya silang napadalhan ng babala ng komisyon na ihinto ang pangongolekta ng halo-halong mga basura.

Sa batas, ibinibigay sa mga opisyales ng barangay ang obligasyon sa pagpapatupad ng pangongolekta at paghihiwa-hiwalay ng basura sa pamamagitan ng pagkakaroon ng MRF. May kaakibat din na responsibilidad dito ang lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng ENRO.

Iminungkahi naman ni Konsehal Victor Oliveros na hikayatin ang Department of Education (DepEd) na maisama sa pagtuturo sa mga mag-aaral ang tamang pagtatapon o paghihiwalay ng mga basura bilang bahagi ng kampanya ukol dito. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s