Tagalog news: San Vicente, Palawan, Regional Nutrition Green Banner Awardee

PUERTO PRINCESA, Palawan, Nob. 21 (PIA) — Masayang ibinalita ni Provincial Nutrition Action Officer (PNAO) Rachel Paladan ang pagkakahirang ng Bayan ng San Vicente bilang Mimaropa 2015 Regional Nutrition Green Banner Awardee.

Ayon kay Paladan, personal nilang tinanggap ang pagkilalang ito kamakailan sa The Heritage Hotel, lungsod ng Pasay sa isang seremonyang pinangunahan ng Department of Health at ng National Nutrition Council (NNC)-Mimaropa.

Kinilala ang bayan ng San Vicente matapos itong makapagtala ng 1st Top Low Malnutrition Prevalence Rate (MPR) sa buong isang taon.

Nangangahulugan ito na ang San Vicente ang may pinakamababang naitalang malnutrisyon sa buong lalawigan ayon sa datos ng Provincial Nutrition Action Office (PNAO).

Pinarangalan naman bilang Regional Outstanding Barangay Nutrition Committee ang Barangay New Agutaya sa San Vicente dahil sa kahusayan nito sa pamamahala ng programang pangnutrisyon. Kinilala rin si Carmencita A. Quimay ng naturang barangay bilang isa sa limang Outstanding Barangay Nutrition Scholar sa buong rehiyon.

Ang mga pagkilalang ito ay bahagi ng taunang gawain ng DOH-Mimaropa at ng NNC upang maitampok ang mga nagtataguyod ng kalusugan sa bawat lalawigan, ani Paladan. Ibinahagi rin ni PNAO Paladan na malaki ang gampanin ng isang Barangay Nutrition Scholar tulad ni Quimay sa mga kanayunan lalo na sa mga liblib na lugar upang maituro sa mga magulang at kabataan ang kahalagahan ng wastong nutrisyon, kalusugan at karunungan para sa pagkakamit ng maginhawang buhay na malayo sa anumang karamdaman. (PIO/OCJ-PIA Palawan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s