Tagalog news: Kampanya sa pagtatanim sa mga paaralan sa Lubang, paiigtingin ng pamahalaang lokal

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Nob 21 (PIA) – Paiigtingin ng pamahalaang bayan ng Lubang (LGU Lubang) ang programa ng pagtatanim sa mga paraalan, na magsisismula sa Enero 2017, ayon kay Lubang Mayor Roberto Sanchez.

Sinabi ng punong bayan na nais niyang maagang mamulat ang mga kabataan sa pagtatanim at pagkain ng gulay. “We can also show our students, that it is possible to earn even in a small property (maipapakita rin natin sa ating mga magaaral na maaring kumita kahit na sa kapirasong lupa)”, paliwanag ni Sanchez. Ayon pa sa kanya, bahagi rin ito ng kanilang programa para sa nutrisyon.

Sa nasabing proyekto, hihilingin ng LGU Lubang sa 12 paaralang Pang-Elementarya at apat na Pang Sekundarya, na maglaan ng lugar para sa pagtatanim. Sakaling walang makita sa loob ng paaralan, kailangang maghanap ang PTA (Parents Teachers Association) at ihanda ito bilang karagdagang tulong sa mga magaaral.

Ang LGU Lubang naman ang magbibigay ng mga punla, mga kagamitan sa pagtatanim at ng kaalaman o pagsasanay. “We are making arrangements with two agri-graduates from Tarlac (Nakikipag usap tayo sa dalawang nagtapos ng kursong pang-agrikultura mula sa Tarlac)”, ayon pa kay Sanchez.

Naniniwala ang punong bayan ng Lubang, nasa pagsisikap at hindi lamang yaman ang kailangan upang magkaroon ng pagkain sa tahanan. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s