Tagalog news: Jobstart Program pasisimulan na sa Puerto Princesa

PUERTO PRINCESA, Palawan, Nob 16 (PIA) — Iniulat ni Puerto Princesa City Public Employment Services Office (PESO) Manager Demetrio Lopez Jr. na kabilang ang lungsod sa mga napiling lugar sa bansa at natatangi sa rehiyong Mimaropa na pagkakalooban ng programa ng JobStart Philippines.

Sa isinagawang Palawan Tripartite Industrial Peace Council (PTIPC) Congress, ani Lopez na malapit na ang pagsasakatuparan ng programa, sa ngayon aniya ay pinaplantsa na lamang ang Implementing Rules and Regulation (IRR) nito.

Naniniwala ang opisyal na kaya napili ang lungsod na magpatupad ng JobStart dahil sa nakatayo na ng maayos ang mga kinauukulang ahensya na makakatuwang sa programa.

Hangad ng binuong programa na mapalawak ang kakayana na maging empleyado ng mga kabataan upang mapaangat ang kanilang pakikisalamuha at karanasan sa produktibong empleyo.

Ang JobStart ay pinondohan ng gobyerno ng Pilipinas at Canada sa pamamagitan ng Asian Development Bank at isinusulong na proyekto ng Department of Labor and Employment (DOLE) at pinamamahalaan ng Bureau of Local Employment sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan.

Nagbibigay ito ng mga pagsasanay tulad ng Online Skills Assessment, Life Skills Training, Enhanced Career Guidance, Teknikal at pang karanasang pagtatrabaho para sa mga makakakuha ng programa.

Bagamat hindi pa natatapos ang IRR ng JobStart, may ilang grupo na ng mga kabataan na sumailalim sa pagsasanay dito sa lungsod. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s