Tagalog news: Farmer’s Field School on Corn Program naisagawa muli sa Boac, Marinduque

Boac, MARINDUQUE, Nov.16 (PIA): Isinagawa ng Provincial Office of the Agriculturist (POA) ang programang Farmer’s Field School (FFS) on Corn sa Brgy. Tugos, Boac, Marinduque na dinaluhan ng 12 corn planters.

Isa sa mga layunin ng FFS on Corn ay ang mapalawig ang kaalaman ng mga magsasaka tungkol sa tamang pagtanim ng mais at maayos na pangangalaga ng kanilang lupain para sa masaganang ani ng kanilang produkto.

Sa naganap na pagpupulong kamakailan, inilatag ng mga magsasaka ang kanilang mga naging obserbasyon sa kanilang mga pananaim sa ika-12 Agro-Eco System Analysis na ginanap kaninang umaga.

Batay sa kanilang mga naiulat, apat sa limang grupo ang nagsasabing isa sa kanilang mga napansin na naging problema ay ang pagsalakay ng mga daga sa kanilang mga lupain at pagkain ng mga ito sa halamang mais. Bukod pa rito ay problema rin nila ang mabilis na pagkatuyo ng mga dahon nito.

Matapos makapag-ulat ang bawat pangkat ng mga magsasaka, nagsagawa naman ng talakayan sina Alvin Revadiniera at Sheridee Marciano ng POA.

Sa unang bahagi ng pagtalakay, ibinahagi ni Marciano sa 14 na corn planters kung ano ang mga bahagi at gawain ng bawat parte ng halamang mais.

Tinuruan din ni Revadiniera ang mga ito kung ano ang mga paraan o hakbang kung papaano nila pwedeng masugpo ang patuloy na paglaganap ng mga peste at daga sa kanilang mga taniman: natural enemies, physical/mechanical control, using baits, using the trap barriers, and cultural control.

Sa darating na ika-18 ng Nobyembre ay muling ipagpapatuloy ang pagpupulong tungkol sa FFS on Corn ng mga magsasaka sa nasabing barangay. (ADSD)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s