Tagalog news: BFAR, nagkaloob ng kagamitang pangisda sa 17 bayan ng Romblon

ODIONGAN, Romblon, Nob. 16 (PIA) — Ang Bureau of Fisheries and Aquatic resources (BFAR) ay nagkaloob ng kagamitang pangisda sa 17 bayan ng lalawigan ng Romblon para ipamahagi sa mga mangingisda.

Ang bawat munisipyo ay tumanggap ng 20 yunit ng de gasolinang makina (gasoline engine), 58 sets ng lambat (gill nets) at 30 pirasong plywood.

Ang tulong pangkabuhayan na ito ay nakatakda namang ipamahagi sa mga rehistradong mangingisda ng bawat bayan sa pamamagitan ng Office of the Municipal Agriculturist (OMAg) na siyang nakakaalam kung paano tutukuyin ang mga pagkakalooban nito.

Nagpasalamat naman ang mga LGUs dahil sa naturang mga kagamitan sa pangisdaan ay magkakaroon ng kabuhayan ang mga maliliit na mangingisda na kanilang nasasakupan.

Ayon kay Edgardo M. Molina, fishery technician ng OMAg-Romblon, ang kanilang natanggap na ayuda mula sa BFAR ay napakainam para magamit ng mga mangingisda sa pamamalakaya.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s