Tagalog news: 2 munisipyo at LGU Palawan, ginawaran ng Seal of Good Local Governance ng DILG

PUERTO PRINCESA, Palawan, Nob. 16 (PIA) — Dalawang munisipyo sa Palawan at ang Pamahalaang Panlalawigan ang muling ginawaran ng Department of Interior and Local Government (DILG) ng Seal of Good Local Governance (SGLG) dahil sa mabuti at mahusay na pamamahalang gobyerno ng mga ito para sa taong 2015.

Ang dalawang munisipyo ay ang mga bayan ng Brooke’s Point at Narra na nasa ikalawang distrito ng Palawan.

Ang naging batayan ng DILG sa pagbibigay ng pagkilala ay nahahati sa dalawang kategorya: ang core component na binubuo ng good financial housekeeping, disaster preparedness at social protection at ang essential component na business friendliness and competitiveness, environment protection at peace and order.

Ayon sa pamunuan ng DILG-Palawan, mahalaga para sa mga lokal na pamahalaan ang magawaran ng SGLG dahil ginagamit itong basehan ng mga banko sa pagpapahiram ng pondo para sa kanilang mga programa at proyektong ipinatutupad.

Sa panig ng pamahalaang panlalawigan, ito ang ikalawang pagkakataon na magawaran ito ng Seal of Good Local Governance. Noong taong 2014 ay nagkamit din ang Palawan ng Seal of Good Local Housekeeping. (OCJ/PIA-Palawan)

prov-capitol

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s