Tagalog news: Reg’l Outstanding Bgy Nutri Scholar Award nakamit ng Lubang, OccMin

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Nob 15 (PIA)—Nakamit ni Mary Karen Dueñas ang parangal bilang Outstanding Barangay Nutrition Scholar (OBNS) sa rehiyon ng Mimaropa , sa isinagawang National Nutrition Council (NNC) Awarding Ceremony kamakailan sa Heritage Hotel, Lunsod ng Pasay.

Ang OBNS ay iginagawad sa isang Barangay Nutrition Scholar (BNS) na may ipinakitang katangitanging pagtupad sa kanyang tungkulin batay sa isinasaad sa Section 2 ng Presidential Decree 1569. Ayon sa nasabing batas ang isang BNS ay magbibigay ng serbisyong pang nutrisyon at iba pang kahalintulad na gawain gaya ng backyard food production, environmental sanitation at iba pa.

Si Dueñas ay naging BNS noong 2011 sa Barangay Bagong Sikat sa munisipyo ng Lubang. Ayon sa kanya, hindi nya kailanman naisip na sa pagtupad nya ng kanyang tungkulin ay magkakamit siya ng papuri at parangal.

“Ginawa ko lamang po iyong trabaho ko sa lubos ng aking makakaya lalo na pagdating sa mga bata”, paliwanag ni Dueñas. Aniya, prayoridad niya ang maseguro ang kalusugan ng kanyang mga ka-barangay, lalo na ang mga bata. Lubos din ang kanyang pasasalamat sa suporta ng kanilang Barangay Nutrition Committee, na naging dahilan upang magampanan nya ng mahusay ang kanyang pagiging volunteer worker.

Kabilang sa mga finalists sa naturang kategoriya (ROBNS) ay sina Carmencita Quimay (Brgy New Agutayan, San Vicente Palawan), Edna Ayaton (Brgy San Pedro, Puerto Princesa City), Vilma Pansoy (Brgy bayanan II, Calapan City), Manuela Hernandez (Brgy San Agustin, Oriental Mindoro), Sofracia Gregorio (Brgy Concepcion Sur, Sta Maria Romblon) at Alida Morong (Brgy Pangi, Gasan, Marinduque).

Si Dueñas ay kabilang sa nominasyon para sa National Outstanding BNS.

Samantala bukod kay Dueñas ay tumanggap din ng parangal ang Barangay Paetan ng bayan ng Sablayan bilang Regional Outstanding Barangay Nutrition Committee. Ang barangay Paetan ay nasa pangangasiwa ni Barangay Captain Bernardo San Diego. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s