Tagalog news: PNP, hangad na makapag-deklara ng drug-free barangay sa Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Nob 15(PIA) — Sa layuning makapag-deklara bilang barangay o lugar na ligtas sa iligal na droga, ikinasa ng Pambansang Pulisya sa lalawigan ang isang araw na Barangay Drug Clearing Operation Seminar Workshop sa Provincial Police Office (PPO) kamakailan.

Ang gawain ay bahagi ng inisyatibo ng Mimaropa Police Regional Office na ipatutupad sa mga lalawigan ng rehiyon.

Ito ay dinaluhan ng lahat ng mga hepe ng pulisya sa bawat munisipyo, Provincial Community Relations (PCR) at Intelligence Department ng PPO katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Mimaropa.

Layon ng seminar na mahasa at mapalawak ang kaalaman ng mga miyembro ng Pambansang Pulisya sa pagsasagawa ng operayon laban sa ipinagbabawal na gamot, ayon sa mga umiiral na proseso ng batas.

Kaugnay nito, lahat ng natutunan ng miyembro ng pulisya sa gawaing ito ay siya naman nilang gagamitin sa kanilang mga nasasakupang himpilan sa bawat bayan sa lalawigan.

Bahagi rin ito ng mas pinaiigting na kampanya ng gobyerno kontra sa iligal na droga na ipinatutupad sa mga pamayanan.

Samantala, nauna nang nakapag-sagawa ng kahalintulad na gawain ang lokal na pamahalaan ng Puerto Princesa, kung saan binigyang prayoridad na inikot ng City-PNP, PDEA at mga tauhan ng Task Force Banat ng pamahalaang lungsod ang mga barangay na kaunti pa lamang o wala pang naitatalang kaso ng iligal na droga hanggang sa makapag-deklara ng drug-free barangay sa lungsod. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s