Tagalog news: Palawan Tripartite Industrial Peace Council Congress, isinagawa sa Puerto Princesa

PUERTO PRINCESA, Palawan, Nob 15 (PIA) — Idinaos sa lungsod ng Puerto Princesa ang dalawang araw na gawain ng Palawan Tripartite Industrial Peace Council (PTIPC) kamakailan na pinangunahan ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ang PTIPC ay binubuo ng pribadong sektor, manggagawa, at ng gobyerno.

Ayon kay DOLE Mimaropa Regional Director Alvin Villamor, pangunahing layunin ng tripartism ang pagtiyak ng mga karapatan at pag-unlad ng mga manggagawa.

Hangad din nito ang kabuoang epektibong operasyon para sa pag-usad ng sektor ng paggawa tungo sa progreso ng bansa.

Lumahok sa gawain ang may-ari at pamunuan ng pribadong kompanya sa lungsod at lalawigan.

Dito, tinalakay ng DOLE-Mimaropa ang mga nilalaman ng Kautusan ng Kagawaran na napapatungkol sa contracting o subcontracting at karapatan ng mga empleyado ng kontraktor.

Inilatag din sa programa ang nirebisang alituntunin sa pagpapatakbo ng empleyo at kalagayan ng paggawa ng mga security guard at iba pang pribadong security personnel sa industriya ng pampribadong seguridad, maging ang mga programa ng Employees Compensation Commission (ECC) ng DOLE, at mga bagong impormasyon patungkol sa pasahod.

Samantala, ayon kay director Villamor, nalibot na nila ang buong Mimaropa sa kanilang isinagawang TIPC congress at panghuli ang Palawan. Isusunod naman ng kagawaran ang pang-rehiyong gawain. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s