Adbokasiya laban sa paninigarilyo, alak at droga, inilunsad sa Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Nob 15 (PIA) — Magkatuwang na inilunsad kamakailan ng Aangat Tayo Partylist at Palawan Adventist Mission (PAM) ang Smoking, Alcohol, Drug (SAD)-free sa lalawigan ng Palawan na ginanap sa Provincial Capitol Pavilion.

Layon ng adbokasiya na mailayo ang komunidad lalo na ang mga kabataan sa mga bisyo tulad ng Alak, sigarilyo at ang ipinagbabawal na gamot.

Ani Pastor Ramil Rey, communication director at tagapagsalita ng PAM, nagsimula pa ang adbokasiyang SAD-free community noong 2008 na ang pangunahing layunin ay maiiwas ang mga kabataan sa ano mang bisyo at tulungan ang mga nasasadlak dito na putulin ang kanilang nakaugalian sa halip ay ituon ang mga ito sa kaaya-ayang gawain.

Nasimulan na rin ng grupo ang kanilang adbokasiya sa mga bayan ng San Vicente, Narra at Taytay, ngunit hangad pa aniya nila na mapasok ang lahat ng munisipyo sa lalawigan.

Tiniyak naman ni Laniflor Malabad, health director ng PAM na epektibo at may magandang resulta ang kanilang programa lalo pa’t ang isa sa mga mahahalagang sangkap nito ay matutukan ang masaganang pamumuhay ng mga kabataan upang magkaroon ng pagbabago sa aspeto ng kanilang pisikal, emosyunal at pag-iisip.

Ayon kay Aangat Tayo Partylist Representative Neil Abayon, napapanahon ang pagsusulong ng ganitong gawain dahil sa pinalalakas na kampanya ng kasalukuyang administrasyon ng bansa kontra sa iligal na droga.

Sa kasalukuyan aniya ay may panukalang batas na siyang iniakda sa konggreso na humihiling sa pamahalaan na makapagtayo ng rehabilitation center sa mga lalawigan sa bansa kabilang ang Palawan at siyudad ng Puerto Princesa. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s