Tagalog news: Programa ng PhilHealth para sa mga nasangkot sa droga, kasado na

PUERTO PRINCESA, Palawan, Nob 11 (PIA) — Hinihintay na lamang ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa lalawigan ng Palawan ang ipabababang pamantayan sa ipatutupad na Detoxification Program na ilalaan para sa mga personalidad na gumagamit o lulong na sa ipinagbabawal na gamot at kinakailangang sumailalim sa rehabilitasyon.

Sa isinagawang “Kapihan sa Philippine Information Agency (PIA)”, nilinaw ni Marian Carlos, tagapagsalita ng PhilHealth-Palawan na may nakahanda nang programa ang kanilang tanggapan para rito, subalit kinakailangan pa ang magiging batayan sa implimentasyon nito.

“Katulad din ito ng regular nating programa para sa mga miyembro na ang masasakop ng benepisyo ay depende sa kung anong serbisyo o klase ng gamutan ang nailapat sa kanila”, ani Carlos.

Ang mga benepisyong matatanggap o serbisyong sakop ng programa ay iba-base sa ipapalabas na pamantayan.

Ani Carlos, kinakailangan din munang kumuha ng akreditasyon sa PhlHealth ang isang rehabilitation center upang masakop ng programa ang kliyente nito.

Dapat din munang maging miyembro ng PhilHealth ang isang indibiduwal o kapamilya nito na regular na nagbabayad ng kontribusyon.

Samantala, sa ngayon, bagamat bukas na ang kanilang programa para sa pagkuha ng akredistasyon, wala pang institusyon sa lalawigan at lungsod na lumalapit para makakuha nito sa kanilang opisina. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s