Tagalog news: Mahigit 200 coral fish nasabat sa bayan ng San Fernando, Romblon

SAN FERNANDO, Romblon, Nob. 11 (PIA) — Mahigit 200 piraso ng iba’t ibang uri ng coral fish ang nasabat ng mga tauhan ng San Fernando Municipal Police Station sa isang mangingisda na gumagawa ng ilegal na paraan ng pangingisda sa karagatang nasasakupan nito.

Kinumpiska rin ng mga awtoridad ang sodium, fishing paraphernalia at bangkang de motor na ginamit ng nasabing mangingisda sa kaniyang ilegal na gawain.

Ayon sa pamunuan ng San Fernando MPS , kanilang mahigpit na binabantayan ang karagatang sakop ng San Fernando, Romblon sa Sibuyan island dahil sa nakakarating na sumbong ng mga residente na marami pa ring gumagawa ng iligal na pangingisda sa kanilang lugar.

Agad namang pinakawalan sa Bontanigue Fish Sanctuary ang mga nasamsam na isda sa pangunguna ni Mayor Salem Tansingco kasama ang mga kapulisan, tauhan ng Office of the Municipal Agriculturist at ilang miyembro ng Bantay Dagat.

Mahigpit na ipinagbabawal ang paghuli sa mga coral fish o mga isdang inilalagay sa aquarium alinsunod sa Municipal Ordinance na ipinaiiral sa nabanggit na bayan.

Malaking bagay aniya ang pagpapalaya sa kanila para hindi mapigilan ang pag unti ng kanilang mga uri.

Sinampahan naman ng kaso ang nahuling mangingisda upang mapanagot sa batas na kanyang nilabag.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s