Tagalog news: Occidental Mindoro, wagi sa Kompetisyon sa Mimaropa Street Dancing

PUERTO PRINCESA, Palawan, Nob 10 (PIA) — Itinanghal na kampeon ang Occidental Mindoro sa idinaos na tunggalian sa Street Dancing kahapon kaugnay ng pagdiriwang ng Mimaropa festival ngayong taon sa lungsod ng Puerto Princesa.

Sa resulta na inanunsyo sa Baybay ng lungsod, nakakuha ng puntos na 93.8 porsiyento ang Occidental Mindoro, sinundan ito ng Lungsod ng Calapan na nakakuha naman ng 89.2 porsiyento.

Ang Palawan na siyang dating kampeon noong nakalipas na taon ay nasa ikatlong puwesto lamang na nagkamit ng puntos na 84.2 porsiyento.

Nagpakitang gilas din sa kompetisyon ang mga kalahok mula sa Puerto Princesa, Oriental Mindoro, Romblon, at Marinduque subalit hindi pinalad ang mga ito.

Sa patimpalak kagabi, halos hindi mahulugang-karayom ang dami ng mga manonood na dumagsa sa lahat ng lugar kung saan sumayaw ang bawat delegasyon partikular na sa mga panulukan ng Rizal Avenue at Lacao Street, sa unang bahagi, panulukan ng Rizal-Valencia Street at Rizal- Roxas Street.

Samantala, ngayong gabi naman iginawad ang premyo sa mga nanalo pagkatapos ng Search for Mimaropa King and Queen na gaganapin sa City Coliseum. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s