Tagalog news: ‘Fish Day’ ipinagdiriwang sa Puerto Princesa, Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Nob 10 (PIA) — Idinaos kahapon sa lungsod ng Puerto Princesa ang kauna-unahang pagdiriwang ng Fish Day, kasabay ng mga nakahanay na aktibidad sa Mimaropa festival 2016.

Itinampok ng pamahalaang lungsod ang nasabing pagdiriwang upang makilala ang siyudad na sagana sa iba’t ibang uri ng isda at maitaguyod ang planong paglalagay ng integrated fish port.

Ayon kay Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron, mahalaga ang selebrasyon ng fish day.

“Bahagi ito ng promosyon natin sa ating itatayong integrated fish port at para makahikayat pa ng mga mamumuhunan sa industriya ng pangisda”, ani Bayron.

Inilunsad din kahapon ang Fish Bazaar sa fish port ng lungsod kung saan pinangunahan ni Mayor Bayron ang seremonya sa pamamagitan ng ribbon cutting, kasama ang mga konsehal ng Sangguniang Panlungsod.

Naglatag naman ng kanilang panindang isda at lamang dagat tulad ng lato at tahong ang mga magtitinda sa palengke.

“Dapat mas mapaganda at mapaghandaan pa natin ng husto ang mga susunod na selebrasyon ng Fish Day”, dagdag pa ni Bayron.

Sinaksihan din ng mga kinatawan muna sa Department of Trade and Industry (DTI) at Philippine Coast Guard (PCG) ang programang inihanda ng pamunuan ng City Fish Port. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s